Sunday, November 23, 2008

Ang tunay na kayamanan

Ilang beses ka bang huminto sa pagbilang sa mga biyayang dumating sa buhay mo?
At sa mga bagay na pinaghirapan mo pa upang makamatan ang mga ito. Ilang beses ka ba nagpapasalamat sa lahat ng mga yon?
Sa mga pinangarap mo sa buhay, nag-iingat kaba sa paghangad sa kayamanan. Ang kayamanan ay napakatuto. Alam mo ba na marami kang kayamanan? Palibahasa’y dimo naramdaman sa ngayun dahil ang nasa sa isip mo ay ang material na kayaman. Bawat isa sa atin ay may nakatagong kayamanan at sadyang napakalawak nito, at ito ay kikilos kung iyong alamin at tuklasin.
Ang kayamana mo ay maaring mga tao lang sa paligid mo na hindi mo pinahalagahan, mga taong malalapit sa’yo, ang iyong ispirituwal at pananampalataya, mga pananaw mo sa buhay, at marami pa. Ang lahat ng mga yan ay nakadependi sa iyong sarili. Ikaw ay binigyan ng kakayanan upang gamitin ito Meron kang kakayahang kuntrolin ang iyong pag-uugali at mga ginagawa sa bawat sandali ng iyong buhay.
Tingnan mabuti ang kailaliman ng iyong puso, hanapin ang tunay na kayamanan. Kung ikaw nagpapasalamat sa lahat ng biyayang nakamtan, ay madali mo’ng mahanap ang tunay na kayamanan.


Positive Motivation Quotes


If you view all the things that happen to you, both good and bad, as opportunities, then you operate out of a higher level of consciousness.


Thursday, November 20, 2008

May Mga Pagbabago

Ang lahat ng nasimulan ay may pagbabago. Ano man ang nakadepende nito ay pweding mawawala. Ano man ang magandang bagay na nakamit mo ay maaring ito rin ang magdudulot ng kapalpakan sa mga ninanais. Kapag mangayari ito, ay may mga mahalagang pagakakataon na magbabago rin.

Ang mga pangyayari sa buhay ay laging magbabago, kapag lagi mong pinahalagahan ang iyong sarili at laging may kahulugan ang buhay para sa’yo, lagi kang nakahanda sa mga pagbabago nito.Tanggapin at hanapin ang mabuting idudulot nito. Kung meron kang nakikitang pagbabago na nangyari na, wag itong husgahan at wag basta magmumukmok na lamang. Sa halip maingat mo itong pag-aralan at tukalasin ang magandang idudulot sa likod nito.

Hindi mo mahinto ang pagababago na nariyan na, Bagkos hanapin ang pagkakataong ito’y maituwid. At ang positibong pagkakataon ay nariyan lamang. Sa halip na matakot sa mga pagbabago, ugaliing mapagtuklas upang sa gayo’y makikita mo rin ang kahalagahan ng mga pagbabago.


Positive Motivation Quotes
It's not what happens to you that determines how far you will go in life; it is how you handle what happens to you.


Wednesday, November 19, 2008

Maging Positibo

May mga tao na ayaw sa’yo kahit na anong gawin at sabihin mo. Hayaan mo lang yan at ituloy ang buhay. Kung ang iyong pagsisikap minsan ay di magtatagumpay ayon saa iyong kagustuhan, pwedi ka namang humanap ng ibang paraan.

Minsan ikaw ay dismayado at madaling mawalan ng gana. Isipin mo nalang na talagang ganyan ang buhay, May kanya kanya tayong karanasan. Ang pagkadismaya at pag-aalinlanganay hindi nangangahulugan na ikaw madaling susuko. Sa katunayan, pwede ka pang mamili kung ito ba’y maging inspirasyon mo at magtulak sa’yong hakbang patungo sa magandang bukas. Kahit ano pa man ang mangyari, ikaw ay malayang makapag isip kung ang gagawin mo’ng mga bagay ay may mabuting idudulot. Ang buhay ay napaka-importante, kaya wag nating aksayahin sa mga bagay na hindi tayo lalago. Babangon tayo at harapin buhay, Ang mga pagsubok ay darating ngunit ito ay lilipas at magdulot ng liwanag at gabay tungo sa magandang bukas.


Positive Motivation Quotes
It takes a lot more energy to fail than to succeed, since it takes a lot of concentrated energy to hold on to beliefs that don't work.